Bohol Trip

Ako si Melanie L. Lovitos. Ako ang tipo ng taong mahilig maglagalag o pumunta sa ibang lugar. Dahil para sa akin, tayo ay nabuhay hindi para manatili sa iisang lugar lamang.  Ang buhay ay isang paglalakbay. Paglalakbay na kung saan ay marami tayong bagay na mararanasan. Mga bagay na kanais-nais at mga bagay na di- kanais-nais. Mga bagay na mabuti at masama. Mga bagay na malinis at marumi. Mga pangyayaring itinakda sa akin, sa’yo at sa ating lahat.

Nasa ika anim na baitang ako noong bumisita ang aking mga kamag-anak  sa amin. Sila ay galing sa ibang bansa. At saktong bakasyon naman namin iyon kaya pinili naming maglibot sa iba’t- ibang lugar. Isa sa pinakamagandang lugar na aming napuntahan ay ang Bohol. Sa buwan ng Abril taong 2012 nang kami ay pumunta at masilayan ang iba’t-ibang mga tanawin doon kasama ang aking buong pamilya. Una naming pinuntahan ang Chocolate Hills. Hindi ko inaasahan na ganun pala kalayo ang Chocolate Hills. Kaya di ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe. Pero pagkamulat ng aking mga mata , nakita ko ang magandang tanawin mula sa bundok hanggang sa kapatagan. nakakabighani ang nag gagandahang mga burol, ngunit hindi kami masyado nagtagal doon dahil sa tindi ng sikat ng araw. Pangalawa naming pinuntahan ay ang Bohol Bee Farm, doon ko nalaman na marami palang klase ng bubuyog. Bumili rin kami ng honey bee para ipasalubong  sa aking mga pinsan. Natikman din naming ang sarap ng iba’t-ibang alak o wine na may halong katas ng bubuyog. Ang ikatlo naming destinasyon ay ang pagbisita sa isa sa kinagigiliwan ng mga tao na si Bayoyoy, siya ay 69 taong gulang ngunit ang sukat niya ay kasing liit lang ng isang taong gulang na bata. Sunod naming pinuntahan ang Hinagdanan Cave na gawa sa mga magagandang bato o limestones. May kaputikan sa ilalim ng kuweba at alalang-alala ko pa na muntik kaming madulas ng aking mga kapatid dahil panay ang selfie namin. Pinuntahan din naming ang Nova Shell Museum kung saan maraming mga nag gagandahang mga perlas at palamuti pagkatapos ay pumunta kami sa Loboc Man Made Forest, matatayog ang mga punong kahoy at doon ay nagpakuha kami ng litrato. Naligo kami sa iba’t-ibang dagat. Napuntahan naming ang Doljo Beach, Danao Beach, Dumaluan Beach, Panglao Beach at sa Alona Beach ang aking pinaka nagustuhan dahil napaka puro ng mga buhangin at napakalinis ng paligid at ang mga tao ay napaka maalagain sa mga bisita. Gabi na noon ng pumunta kami sa Alona Beach doon kami nag hapunan habang nanonood ng Fire Dance at Hawaiian Dance.  Pagkatapos naming maligo sa dagat ay dumiretso kami sa Python Sanctuary, doon ako unang nakakita ng mga naglalakihang mga ahas. Unang beses ko din doong makahawak ng ahas, nakakatakot sobra bagamat nilabanan ko ang aking takot. Pumunta din kami sa Ship House, klase klaseng mga kagamitan na pang barko ang nakita namin doon. Mula sa labas hanggang sa loob mukha talagang totong barko ngunit nasa lupa nga lang. Pangatlong araw namin sa Bohol ay pinuntahan namin ang iba’t-ibang talon kagaya nalang ng Can-umantad Falls, Mag-aso Falls at Busay Falls. Naligo din kami doon. Magaganda mga tanawin dun kahit na sabihing payak ang pamumuhay Bago kami umuwi hindi naming pinalipas ang pagkakataong bumisita sa iba’t-ibang simabahan doon sa Bohol. Ang una naming binisitang simbahan  ay ang Baclayon Church, nagdasal kami doon na sana gabayan ng Poong maykapal ang aming paglalakbay at nagpapasalamat din kami sa buhay na puno ng biyaya na ibinigay Niya sa amin. Sunod naming pinuntahan ang Loboc Church, doon kami nagsimba kasama ang aking buong pamilya at iba pang mga kamag-anak na taga Bohol din. Kinabukasan binisita din namin ang Grace Christian Church, Santa Monica Church, St. Michael the Archangel Parish, Our Lady of Light Church, Saint Vincent Ferrer Parish Church, Our Lady of Lourdes Parish Church, Saint Agustin Catholic Church, Immaculate Heart of Mary Parish Church, Methodist Church, Our Lady of Fatima Parish Church at napakarami pang mga simbahan, hindi ko na maalala ang iba. Bawat simbahang binisita namin ay nag wish at nagdasal ako dahil sabi nila kapag unang beses mo daw sa isang simbahan tapos nagdasal ka ng isang bagay, ito ay magkakatotoo daw. Mahigit kumulang isang lingo din kaming nanatili sa Bohol. Pansamantala kaming tumira sa bahay ng aking tiyo at tiya. Bago kami umuwi naglibot muna kami kahit saan upang maghanap at bumili ng pampasalubong sa aking mga pinsan na naiwan sa Digos at Davao. Bumili kami ng mga Broa o tinatawag nilang Lady Fingers, Calamay na napakasarap at Peanut Kisses na signature recipe na ng mga Boholano.

Iba pala ang pakiramdam pag nakakakita ka ng ganung mga bagay. Kung sa tingin ng iba isa lang iyong simpleng bakasyon, pero para sa akin isa iyong napakasaya at napakahabang pangyayari sa buhay ko. Hindi lamang iyon importante dahil nakapuntta ako sa bagong lugar kundi dahil nakilala ko pa ng husto ang aking mga kamag- anak. Ang mga lugar na pinupuntahan ay lalong gumaganda, ito ay dahil sa kug sino at ano ang inyong mga kasama, at kung paano niyo ieenjoy ang lugar na iyon sa piling ng isa’t- isa. Dahil hind mo alam na ang oras na iyon ang binigay ng panginoon upang gumawa ng mga massasayang ala-ala sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon na makasama ang iyong mahal sa buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s